NEW YORK (AP) – Pinagmulta ng US$200,000 si New York Knicks star Derrick Rose bunsod nang walang paalam na pagalis at hindi paglaro kontra sa New Orleans Pelicans nitong Lunes.

Ayon sa ulat, ipinataw ng Knicks management ang multa sa kabila ng paghinge ng paumanhin at paliwanag ni Rose sa dahilan ng kanyang paguwi sa Chicago ng walag abiso.

“The team fined him a pretty hefty amount -- the amount of the fine for missing a game,” pahayag ni Knicks coach Jeff Hornacek.

Ikinadismaya ng Knicks management ang aksiyon ni Rose na hindi rin sumagot sa tawag sa phone para malaman ang kanyang kinalalagyan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Iginiit niyang umuwi siya para makapiling ang pamilya at kaagad na humige ng paumanhin sa kanyang teammates,coach, Knicks president Phil Jackson at general manager Steve Mills.

“I hope one incident didn’t change their minds. Who knows? This is a business and if it was to happen I’m still going to play the way I normally know how to play no matter where I’m at,” pahayag ni Rose patungkol sa kanyang pagiging free agent sa susunod na season.