Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

4:15 n.h. NLEX vs GlobalPort

7 n.g. -- SMB vs Rain or Shine

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

KASUWERTEHAN ang hangad ng mga koponan na sasabak OPPO-PBA Philippine Cup double header ngayon na itinuturing ‘Friday the 13th’sa MOA Arena sa Pasay City.

Nakatakdang magtuos ang reigning champion at kasalukuyang lider San Miguel Beer at ang pumapangalawang Rain or Shine sa tampok na laro ganap na 7:00 ng gabi matapos ang unang salpukan sa pagitan ng NLEX at Globalport ganap na 4:15 ng hapon.

Galing ang Beermen sa 72-70 pag-ungos sa Barangay Ginebra Kings noong Enero 8 kung saan pinatunayan nilang kaya rin nilang manalo sa pamamagitan ng depensa.

Gayunman, para kay coach Leo Austria, hindi ito kataka-taka dahil matagal na nila itong ginagawa at hindi lamang gaanong napapansin dahil sa taas ng kanilang produksiyon sa dami ng kanilang mga naibubuslong basket.

Ngunit, kung tutuusin hindi na ito bago sa kanila lalo't mayroon silang mga mahuhusay na defensive players gaya nina Chris Ross, ang reigning MVP na si Junemar Fajardo at ang league leading blocker na si Arwind Santos.

Taglay sa kasalukuyan ng San Miguel ang barahang 7-1, habang ang Elasto Painters na may barahang 5-2.

Sa kampo ng ROS, umaasa si coach Caloy Garcia na makakalaro na sina Raymund Almazan at Gabe Norwood na hindi nakalaro sa nakaraang 97-83 na panalo nila kontra Phoenix dahil sa iniindang calf injury at sore eyes ayon sa pagkakasunod.

Mahalaga ani Garcia ang dalawa upang kumpleto silang haharap laban sa firepower nag Beermen.

Sa unang laban, magsisikap naman ang Globalport na makapagsolo sa ikatlong puwesto kung saan kasalo sila ng Talk N Text sa kartadang 4-3. (Marivic Awitan)