Sinibak sa puwesto bilang warden ng North Cotabato District Jail si Supt. Peter Bungat kasunod ng pagtakas ng 158 bilanggo matapos salakayin ng mga rebelde ang piitan, sa pangunguna ni Kumander Derbi nitong Enero 4.

Batay sa impormasyon, sinibak sa puwesto si Bungat sa kahilingan ni North Cotabato acting Gov. Shirley Macasarte-Villanueva kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ismael Sueño.

Sa liham ni Villanueva kay Sueño, sinabi niyang batay sa initial observations at report tungkol sa insidente, may indikasyon na nagpabaya sa tungkulin si Bungat kaya naman may dahilan upang isisi rito ang pagpuga ng mga preso.

Batay sa huling ulat, nasa 58 pa lang ang bilanggong naarestong muli ng mga awtoridad, habang sampu naman ang napatay sa manhunt operation. (Fer Taboy)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito