KINILIG ang mga nakakita ng ipinost na picture ni Jak Roberto sa Instagram na nakahubad sila nina Ivan Dorschner at Addy Raj sa swimming pool sila at eksena pala ‘yun sa rom-com series ng GMA-7 na Meant To Be.

Pagandahan ng katawan ang tatlo at padamihan ng abs, kaya ang fans, hindi alam kung sino ang titingnan at kung ano ang uunahing tingnan, ang mukha ba nila o ang abs.

Sa aming napanood, winner si Jak sa pagandahan ng katawan at sa dami ng abs. Sumunod si Addy at last si Ivan.

Missing si Ken Chan sa picture na nakahubad ang mga kasama at tila may body contest. Hindi namin naitanong sa kanya kung bakit wala siya sa picture. Ang lagi niyang sagot, ‘pag hindi siya kasama sa picture nina Ivan, Addy at Jak, “Bumibili ako ng kape para kay Barbie (Forteza).”

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Anyway, nakakaaliw ang reaction ng followers ni Jak sa picture na ito dahil marami ang nagsabing nagutom daw sila kaya maghahanap daw sila ng kanin at palaman. Itinulad ng fans sa ulam at pandesal ang abs ng tatlo at ‘yung iba, busog na raw nang makita ang naggagandahang katawan ng tatlo.

Second day na ngayon ng airing ng Meant To Be at kung naaliw at nagandahan kayo sa pilot episode, tiniyak ni Direk LA Madridejos na marami pang magagandang eksena sa mga susunod na episode ng rom-com series. Napapanood ito pagkatapos ng Alyas Robin Hood. (Nitz Miralles)