Tiniyak kahapon Commission on Higher Education (CHED) chairwoman Patricia Licuanan na ipatutupad nila ang dismissal order ng Office of the Ombudsman laban kay CHED executive director Julito Vitriolo dahil sa pagkabigo nito na maimbestigahan ang umano’y “diploma mill” education program ng dalawang paaralan sa Maynila noong 1996.

Ipinaliwanag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hindi inimbestigahan ni Vitriolo ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at ng National College of Physical Education (NCPE) na sinuspinde noong 2008 matapos masilip ng Commission on Audit (COA) na salungat sa interes ng unibersidad ang nasabing programa.

Ibinaba ng Ombudsman ang dismissal order laban kay Vitriolo noong nakaraang linggo sa kasong Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty, Incompetence and Inefficiency at paglabag ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act No. 6713). (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'