Sa pagkakataong ito, hindi papatol ang kampo ni Vice President Leni Robredo.

Nananatiling tahimik ang Office of the Vice President sa mga diumano’y nag-leak na mga email na ipinaskil sa online na tila nagpapakitang kasama si Robredo sa mga nababalak na patalsikin si Pangulong President Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ng blogger na si “The Thinking Pinoy” ang mga lumabas na email ng mga miyembro ng isang Yahoo! group na tinatawag na Global Filipino Diaspora Council (GFDC).

“The only way to fight this evil plot to unseat VP Leni is to ask Duterte to resign. After all, he promised to resign in six months if he has not solved the drug epidemic in the Philippines,” nakasaad sa email. “He asked for an extension of another six months. Extension denied! Join Duterte Resign Movement.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nakasaad naman sa isa pang inilabas na email: “This plan is going even better than I expected. We, on our part outside the Philippines are doing our part in holding rallies everywhere.”

Pinagkaguluhan sa social media ang mga alegasyon ng planong pagpapatalsik kay Duterte at nag-trending ang hashtag #LeniLeaks.

Binatikos ng netizens ang kampo ni Robredo sa pananahimik sa isyu, ngunit pinanindigan ng OVP ang pananahimik sa mga lumabas na email sa gitna ng mga panawagan na linawin ang #LeniLeaks.

Hindi rin direktang sinagot ni Robredo ang isyu nang kapanayamin siya ng mga mamamahayag sa Iloilo nitong weekend.

Ngunit kinontra ni Robredo ang mga panibagong alegasyon na sangkot siya sa planong patalsikin si Duterte.

“This oust Duterte [movement], I’m sure that I’m not part of it if there is such plan,” sabi ng Vice President. “I believe that it would not be good for the country when we carry out another oust the president movement.”

(RAYMUND ANTONIO)