Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang serbisyo ng point-to-point (P2P) bus system sa Metro Manila.

Inihayag ng LTFRB na simula sa kahapon, Enero 7 ay suspendido ang operasyon ng mga bus ng P2P mula SM North, Trinoma, Eton Centris, SM Megamall at Glorietta 5 hanggang sa makakuha ng permit ang mga operator nito na Froehlich Tours, Inc., para pumasada.

Sinabi ng ahensiya na ipinatigil nito ang mga operation ng Froehlich Tours, Inc, matapos madiskubre na pumaso na ang 90-day provisional authority (PA) ng kumpanya.

“To protect the riding public, the LTFRB temporarily suspended its operations effective immediately,” pahayag ng LTFRB noong Biyernes ng gabi. (Vanne Elaine Terrazola)
Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?