AUCKLAND, New Zealand (AP) — Nakopo ni American Lauren Davis ang kauna-unahang WTA title sa anim na taong career nang gapiin si Croatian teenager Ana Konjuh, 6-3, 6-1, sa ASB Classic nitong Biyernes (Sabado sa Manila).
Naisalba ng 23-anyos na pamabato ng Ohio ang matikas na pakikihamok ng huling seeded player sa torneo nang walising ang No.8 seed at 17-anyos phenom na si Konjuh sa loob lamng ng 71 minuto.
Ginapi ni Davis si No.5 Kiki Bertens, Nop.4 seed Barbora Strycova at seventh-seeded Jelena Ostapenko tungo sa final , habang nakausad si Konjuh kontra kina dating champion Yanina Wickmayer at last year’s runner-up Julia Goerges.
“It’s definitely an incredible feeling winning my first WTA title,” pahayag ni Davis. “It’s definitely surreal.
“I’ve been waiting for this one for quite a few years. I had two finals last year and it was definitely discouraging and frustrating but third time’s a charm.”
Itinututring star-studded, nauwi sa mga dehado na player ang atensyon nang maagang masibak sina dating world No.1 Senera Williams, habang nag-withdraw ang kapatid niyang si Venus at ang dating No.1 ding si Ana Ivanovic.