paolo-at-christian-copy

NAGSIMULA sa Tokyo International Film Festival ang paghahakot ng awards ng pelikulang Die Beautiful at nagpatuloy sa Gabi ng Parangal ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Kia Theater last Thursday.

Big winner ang nasabing indie film dahil tinanghal na Best Actor ang lead star na si Paolo Ballesteros at Best Supporting Actor ang gumanap na best friend niya na si Christian Bables. Iniuwi rin ng Die Beautiful ang tropeo para sa People’s Choice award at Best Float.

Sa unang araw pa lamang ng filmfest, usap-usapan na ang mahusay at natural na acting ni Paolo bilang si Trisha Echevarria na gumagaya sa Hollywood stars sa pamamagitan ng makeup na hinangaan maging ng ibang lahi.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

‘Yun nga lang, inisnab ni Paolo ang MMFF awards night kaya hindi niya personal na natanggap ang trophy nang gabing ‘yun , sa halip ay ang kanyang direktor na si Jun Lana ang umakyat sa stage para tanggapin ang trophy.

Ipinaliwanag ni Direk Jun na ang dahilan ng hindi pagdalo ni Paolo ay sobrang pagod. Sa ilang write ups, sinasabi na nagkasakit siya.

Sa pamamagitan na lamang ng Facebook post nagbigay ng acceptance message si Paolo at bahagi nito ang pasasalamat niya sa LGBT community na naging inspirasyon ng Die Beautiful.

Naririto ang bahagi ng acceptance speech ni Paolo na hindi niya nagawang bigkasin sa Kia Theater:

“Winning two acting awards internationally is quite overwhelming. But being recognized as the Best Actor in your own country gives a different kind of joy. To the MMFF, maraming salamat and congratulations for a very successful festival. It is only the beginning and we will continue making movies that will be competent both locally and internationally.

“To the whole team of Die Beautiful, Regal, I will forever thank you. Direk Jun, thank you for trusting me as Trisha.

To my Family, Friends, Fans, my Dabarkads, thank you for always supporting me. To the LGBT community, let this movie be an inspiration to everyone. And to all those who watched, and voted for us, thank you!

“Direk!!! Awards pa more! Festivals pa more! Let’s go for Oscars! Mabuhay Philippines!” (ADOR SALUTA)