Aabot sa 500 lineman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang ipinadala sa Bicol Region upang kaagad na maibalik ang supply ng kuryente sa rehiyon, na napuruhan sa pananalasa ng bagyong ‘Nina’ noong Pasko.
Sa inilabas na impormasyon ng NGCP, ang naturang bilang ng line personnel ay mula sa North Luzon, South Luzon, Visayas at Mindanao Operations and Maintenance Team na magkukumpuni sa 34 na tower at 33 transmission lines sa Bicol.
Ayon sa NGCP, ginagawa na nila ang lahat ng paraan upang maibalik ang supply ng kuryente sa Bicol bago mag-Bagong Taon.
“Apart from the line crews and equipment pre-positioned in the typhoon-affected region as part of our Integrated Disaster Action Plan (IDAP), NGCP also tapped line crews and engineers from other regions, from North Luzon to as far as Mindanao, to expedite restoration,” saad sa pahayag ng NGCP. (Rommel P. Tabbad)