Iginiit ng mga kinatawan ng party-list na kailangan ang pagsasabatas ng panukala sa pagkakaroon ng kinatawan ng mga tinaguriang nasa laylayan ng lipunan o marginalized sector sa mga Sanggunian sa probinsiya, siyudad at bayan.

Nasa House committee on rules na ang House Bill 6228 (Local Sectoral Representative Act) na kapalit ng House Bills Numbers 279 at 700, na ipinasa na ng committee on suffrage and electoral reforms na pinamumunuan ni Capiz Rep. Fredenil H. Castro.

Itinatakda ng panukala na may tatlong sectoral representative sa Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlunsod, na ihahalal ng mga pangunahing sektor alinsunod sa Social Reform and Poverty Alleviation Act (RA 8425), maliban sa youth sector. (Bert de Guzman)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito