christian-bables-copy

PAGKATAPOS ng 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF), hindi na magiging ‘da who’ ang baguhang aktor na si Christian Bables, gumaganap bilang Barbs at best friend ng bidang si Paolo Ballesteros (playing the lead role as Trisha Echevarria) sa pinag-uusapan at pinipilahang Die Beautiful ni Direk Jun Robles Lana.

Biglang sumikat at naging bukambibig ng cineastes ang pangalan ni Christian at malimit na pinag-uusapan sa social media. Bukod kay Paolo, puring-puring ang kanyang pagganap bilang transgender woman, dahil epektibo ring nagampanan ng newbie actor ang role na ibinigay sa kanya with flying colors.

Sinagot ni Christian ng voice memo ang aming ekslusibong panayam sa kanya sa FB chat. Masaya siya sa mainit na pagtanggap ng mapanuring mata ng mga manonood. Labis-labis din ang pasasalamat niya sa kanilang direktor at mga kasamahan sa pelikula.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Nu’ng una po medyo na-overwhelm kasi hindi po ako sanay,” simula ng binata. “Ginawa ko lang naman po ‘yung job ko as an actor. Nag-aral po ako ‘tapos nag-let go ako sa Die Beautiful. Ginawa ko lang po ‘yung mga natutunan ko sa pag-aaral ko ng akting.

“After December 25, parang biglang ang daming... at first na-overwhelm ako pero pinag-pray ko po kung ano ‘yung dapat kong gawin. Masaya ako dahil na-appreciate ng tao ‘yung hirap na pinagdaanan naming lahat. Mula roon sa pag-aaral ko ng character hanggang pag-execute ko as Barbs. Maraming-maraming salamat sa suporta na ibinigay ng mga tao sa akin at sa buong pelikula.”

Marami ang nagsasabing shoo-in siya for a Best Supporting Actor award. Umaasa ba siyang manalo ng award?

“Nu’ng ginawa ko po ito, nu’ng tinanggap ko ‘yung role as Barbs, honestly po, God is my witness, wala po akong ini-expect, kasi po ako ay isang baguhang aktor lamang. Ni sa hinagap hindi ko iniisip na makakasali ako sa MMFF pati sa pelikulang ito. Hindi ko iniisip na mapapansin ‘yung ginawa ko.”

Dagdag pa niya, “It will be a very good experience for me pero ayoko itong ilagay sa ulo ko kasi I know na kapag inilagay ko ito, it will be the end. I can’t stop learning. I’m just as good as my last work. ‘Yun lang po ang laging nasa isip ko. I have to keep on learning for this craft. I can to keep learning and learning and learning. Kung anuman po ang maging desisyon ng mga hurado, si God na po ang bahala.”

Nagkakaisa sa social media ang napakarami nang nakapanood ng Die Beautiful na breakthrough actor ng MMFF 2016 si Christian. Will he win the award?

Abangan natin sa gaganaping MMFF Red Carpet Awards Night ngayong 7 PM sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City. (LITO MAÑAGO)