Isang araw matapos ang Pasko, umabot na sa 48 insidente na may kinalaman sa paputok ang naitala ng Department of Health (DoH).

Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, ang naturang bilang ay naitala mula Disyembre 21, nang sinimulan nila ang pagbabantay para sa kampanyang iwas paputok, hanggang 6:00 ng umaga kahapon, Disyembre 26.

Sinabi ni Tayag na mas mababa pa rin ito kumpara sa 95 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon, at maging sa 109 na yearly average, mula 2011 hanggang 2015. (Mary Ann Santiago)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'