photo-copy

LeBron at Wade, gagawa ng kasaysayan sa Araw ng Pasko.

CLEVELAND (AP) – Sa kasaysayan ng NBA, tanging sina Kobe Bryant at Oscar Robertson ang player na nakaiskor ng 300 career points sa Araw ng Kapaskuhan.

Ngayon, may pagkakataon sina LeBron James ng Cleveland at Dwyane Wade ng Chicago Bulls na mapabilang sa pedestal.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Tangan ni Wade, lalaro sa nakatakdang Christmas Day quintupleheader, ang pagiging top active player na may kabuuang 277 puntos sa laro sa Araw ng Kapaskuhan.

Haharapin ni Wade ng Bulls ang matikas na San Antonio Spurs.

Hawak naman ni James ang 270 puntos at kailagang makaiskor ng 30 puntos sa rematch ng last year’s Final kontra Golden State Warriors.

Nangunguna si Bryant, nagretiro sa nakalipas na season, sa listahan ng all-time Christmas leader tangan ang 395 puntos, habang kasunod si Robertson na may 377 puntos. Pangatlo si Wade kasunod si Shaquille O’Neal (272) at James para sa top five.

Bisita ang Boston Celtics sa New York, magtutuos ang Minnesota at Oklahoma City, habang magtatagpo ang Los Angeles Clippers at Lakers.

Ito ang ikasiyam na sunod na season na tampok ang limang laro sa NBA sa Araw ng Pasko.

Kung makalalaro si Wade, tatanghalin siyang ikawalong player na nakalaro sa 12 match sa araw ng Pasko. Naitala ni Bryant ang record 16, habang sina Shaquille O’Neal, Dolph Schayes at Earl Monroe ay may tig-13 sabak sa laban. Sina Robertson, Dick Van Arsdale at Johnny Green ay may tig-12 career match sa Araw ng Pasko.

“It means a lot about what the NBA thinks of me in this game,” pahayag ni Wade.

Sasabak naman ang Minnesota sa kauma-unahang pagkakataon sa Araw ng Pasko sa pakikipagtuos sa Oklahoma City.

“We’re all young kids, and no matter, young, old, we all love Christmas and we love spending it with our families — but for an opportunity like we have, we’re more than willing to play on Christmas,” sambit ni Timberwolves star Karl-Anthony Towns.

Tanging ang Charlotte at Memphis ang koponan sa NBA na hindi pa naglalaro sa Araw ng Pasko, habang kauna-unahan ng Boston mula noong 2012. Huling naglaro sa espesyal na araw ang Milwaukee noong 1977, habang ang matatagal na ring hindi nakalalaro ang Atlanta (simula 1989), Utah (1997), Toronto (2001), Philadelphia (2001), Sacramento (2003), Indiana (2004) at Detroit (2005).

May kabuuang 23 bansa ang may kinatawan sa mga koponan na lalaro sa Araw ng Pasko. Maliban sa US, tanging ang Spain ang may pinakamaraming pagkakataon na lima.

Kung papalarin sina Russell Westbrook ng Oklahoma City, ang kasalukuyang NBA triple-double king ngayong season, at James ang tatanghaling kauna-unahang player na makapagtatala ng ikalawang triple-double sa araw ng Pasko. May naitala na silang isa tulad nina Robertson, Billy Cunningham at John Havlicek.