MISINFORMED ang American singer at composer na si James Taylor tungkol sa peace and order situation ng bansa, sabi ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP). 

Pero ayon sa spokesperson ng PNP na si Senior Supt. Dionardo Carlos, iginagalang nila ang desisyon ni James Taylor na huwag ituloy ang kanyang nakatakdang concert sa Pilipinas bilang protesta sa diumano’y laganap na pagpatay sa mga suspek na drug pushers at users.

“We cannot fault him for basing such decision on incorrect information about our country’s peace and order situation,” saad n i Carlos sa isang pahayag. 

Sinisisi ng pulis at masugid na tagasuporta ng Duterte administration ang local at foreign media at ang ‘noisy few’ na diumano’y eksaherado ang paglalarawan sa isinasagawang giyera laban sa ipinagbabawal na gamot na inilunsad noong Hulyo 1. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mahigit 2,100 suspected drug pushers at users na ang napapatay at mayroon namang umaabot sa 3,000 pinapatay ng mga vigilante group bagamat sinabi ng PNP na hindi drug-related ang lahat ng ito. 

Para kay Carlos, kayang patunayan ng PNP kay Taylor na nagkakamali siya kung nagdesisyon lamang siyang ituloy ang concert. 

“Coming to the Philippines will be a firsthand opportunity to prove for himself that there is no alarming EJKs (extra-judicial killings) happening in the country,” sabi ni Carlos. 

IT’S HIS LOSS

Binigyang-diin ni Carlos na si Taylor ang nawalan sa pagkansela nito sa concert.

“At the end of the day, it is a loss for him to experience the warmth and hospitality of the music-loving Filipino audience,” sabi Carlos. 

Higit sa lahat, nawalan ng kikitain ang beteranong musician sa pagtatanghal sana nito. (AARON B. RECUENCO)