Sa ilalim ng bagong polisiya ng Department of Labor and Employment (DoLE), na inaasahang ilalabas sa susunod na linggo, ipagbabawal na ang subcontracting.
“We intend to come out with a department order that will strengthen the statutory provision on contractualization so that if you are a contractor, you will not longer be allowed to subcontract,” pahayag ni DoLE Secretary Silvestre Bello III sa press conference sa Maynila kahapon.
Ayon kay Labor Undersecretary Dominador Say, plano nilang alisin ang subcontracting o pagtanggap ng mga contractor ng serbisyo sa ibang kumpanya upang makumpleto ang mga kondisyon sa kanilang kontrata, para maprotektahan ang mga contractual worker mula sa “fly-by-night” contractors.
“If they (contractors) are financially capable then they should be able to finish the service on their own account,” ani Say.
Sinabi ni Say na, “Before we could call them legitimate contractors or businessmen, they should have a decent capital, in which case we will be requiring them to post a bond registration.”
Sa ilalim ng ipinanukalang department order, kinakailangan na ring magkaloob ng mga contractor ng oportunidad sa kanilang mga contractual worker kapag nakumpleto ang kanilang napagkasunduang serbisyo.
“Within three months, if the contractor fails to provide a alternate job for their employees the contractor will be required to pay their separation pay,” sambit ni Say.
Ayon kay Say, pinag-aaralan na rin nila ang posibilidad na pagkalooban ng mga contractor ng financial assistance ang kanilang mga unemployed employee na katumbas ng kalahati ng isang buwang suweldo hanggang sa sila’y magkaroon ng bagong trabaho. (Samuel Medenilla)