solenn-copy-copy

SI Solenn Heusaff ang unang nakaalam sa gagawing marriage proposal ng kanyang kapatid na si Erwan Heussaff kay Anne Curtis sa Central Park, New York na bagamat matagal na niyang inaasahan ay ikinatuwa pa rin niya nang husto.

Nang makatsikahan namin si Solenn noong dalaga pa siya at matanong kung kailan mag-aasawa si Erwan ay agad siyang umalma. Dapat daw ay mauna siya dahil tingin niya sa kapatid ay baby boy pa ito noon.

Pero dahil Mrs. Nico Bolzico na si Solenn, pumayag na siyang magpakasal naman sina Anne at Erwan.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Samantala, maraming humahanga sa aktres na kahit madalas sa ibang bansa ay sa Pilipinas niya piniling tumira. Ilang taon siyang naninirahan dito bago sumunod si Erwan.

Hindi lang ‘yan, likas na sa aktres ang pagiging matulungin sa mga kababayan natin. Katunayan, nagbibigay siya ng donasyon sa ethnic tribal group sa Bukidnon. Isang napakagandang painting, sariling obra niya, ang ipinagkaloob ni Solenn sa kanila.

“Words can’t describe how this felt and what an honor it was for me to meet all of them today and the Datus as well,” sabi niya. “Blessed I could help in my own way.

Pranses ang ama at Pinay ang ina, at mas gusto ni Solenn na sa Pilipinas ipinagdiriwang ang Pasko. Paborito niya ang Noche Buena na ang mommy at si Erwan ang nagluluto at isa sa gustung-gusto niya ang Holiday Ham na gawa ng CDO.

(REGGEE BONOAN)