Kokonsultahin ng Kamara ang mahahalagang sektor ng lipunan sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan.
Iminungkahi ng Subcommittee on Judicial Reforms na imbitahan sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Philippine National Police (PNP) Chief Director-General Ronaldo dela Rosa, mga pinuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa susunod na pagdinig ng House Committee on Justice sa Enero.
Sinabi ni Rep. Vicente “Ching” Veloso (3rd District, Leyte), subcommittee chairman, na kabilang din sa mga iimbitahan ang kinatawan ng Free Legal Assistance Group, In Defense of Human Rights and Dignity Movement, Amnesty International-Philippines Chapter, Coalition Against the Death Penalty, at iba pang civil society group. (Bert de Guzman)