karlov-ap-copy

ANKARA, Turkey (AP) — Binaril at napatay ng isang Turkish policeman ang ambassador ng Russia sa Turkey nitong Lunes sa isang photo exhibit sa harapan ng mga nagtitipong tao. Nagpalakad-lakad pa ang suspek malapit sa bumulagtang biktima, habang kinokondena ang papel ng Russian military sa Syria, at sumigaw ng: “Don’t forget Aleppo! Don’t forget Syria!” Nakunan ng camera ang mga pangyayari.

Nagimbal ang mga tao sa nasaksihang pamamaslang. Habang nagtatalumpati sa harapan nila si Ambassador Andrei Karlov, 62, bigla siyang binaril ng lalaking nakatayo sa kanyang likuran. Agad na bumulagta ang diplomat. Walong beses na nagpaputok ang suspek na nakasuot ng dark suit at tie, at noong una ay ipinalagay na close in security ni Karlov.

Nakilala ang suspek na si Mevlut Mert Altintas, 22-anyos na miyembro ng Ankara riot police squad. Napatay din siya kalaunan sa pakikipagbarilan sa mga kapwa pulis. Tatlong katao pa ang nasugatan sa pag-atake.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagsasalita ang gunman tungkol sa Aleppo sa wikang Turkish, at sumigaw ng “Allahu akbar” sa Arabic na ang ibig sabihin ay “God is great.” Nagpakilala din siyang “We are the descendants of those who supported the Prophet Muhammad, for jihad.”

Inilarawan ni Russian President Vladimir Putin ang pamamaslang na pagtatangkang sirain ang bumubuti nang relasyon ng Russia at Turkey. Ayon sa kanya, nagkasundo sila ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na magpapadala ang Russia ng mga imbestigador sa Ankara para tumulong sa imbestigasyon.

“A crime has been committed and it was without doubt a provocation aimed at spoiling the normalization of Russo-Turkish relations and spoiling the Syrian peace process which is being actively pushed by Russia, Turkey, Iran and others,” seryosong sabi ni Putin mula sa Moscow. “There can only be one response - stepping up the fight against terrorism. The bandits will feel this happening.”

Kinondena ng iba’t ibang lider ng mundo ang pamamaslang. Sinabi ni US President Barack Obama na ang “heinous attack on a member of the diplomatic corps is unacceptable.” Tinawag ito ni UN Secretary-General Ban Ki-moon na “senseless act of terror.”