CAPAS, Tarlac - Halos maligo sa sariling dugo ang sinasabing matinik na magnanakaw matapos niyang makipag-engkuwentro sa mga pulis sa Barangay Sto. Cristo sa bayang ito, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni PO2 Roland Capan ang napatay na si Jonas Marimla, nasa hustong gulang, ng Bgy. Banaba, Bamban, na malubha ang tinamong mga tama ng bala sa dibdib at tiyan.

Nabatid na dakong 3:00 ng umaga at kauuwi lang ni Kathrine Medina, 40, ng Bgy. Cristo Rey, nang maaktuhan niya umano si Marimla na bitbit ang isang itim na backpack na roon nakasilid ang 18-inch Coby LED TV ni Medina.

Mabilis namang nag-report ang biktima sa Police Community Precinct-1 hanggang sa maispatan si Marimla na naglalakad sa Block 88 ng Bgy. Cristo Rey, ngunit pinaputukan umano ng huli ang mga awtoridad na nauwi sa sagupaan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober sa suspek ang isang .38 caliber Smith & Wesson revolver na may apat na bala, TV, remote control, digibox, electrical tools at grocery items. (Leandro Alborote)