NASUNGKIT ni Miss Philippines Catriona Gray ang ikalimang puwesto sa Miss World 2016 beauty pageant na ginanap sa Maryland, USA kahapon.

Bukod kay Catriona, pumasok din si Evelyn Thungu ng Kenya sa Top 5 ng long-running beauty pageant sa kasaysayan.

Si Stephanie del Valle ng Puerto Rico ang kinoronahang Miss World 2016. First Princess si Yaritza Reyes ng Dominican Republic at Second Princess naman si Natasha Mannuela ng Indonesia.

Nagpasalamat si Cory Quirino, national director ng Miss World Philippines, sa mga sumuporta kay Catriona sa Miss World pageant.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“To reach Top 5 at the biggest pageant in the world is quite an achievement. Catriona Gray gave us all a stunning representation of the true Filipina -- graceful and gracious up to the very end. While we all expected a Philippine victory, we should still consider a Top 5 placing as a blessing. We are extremely proud of Catriona, a real queen.

She may have not won the crown of Miss World but she has certainly won the hearts of many Filipinos worldwide.

Mabuhay and Pilipinas!” saad ni Quirino sa isang text message na ipinadala pagkatapos ng pageant.

Isang araw bago sumapit ang pageant, nakapasok na sa semifinals ang Filipino-Australian beauty nang makuha niya ang Multimedia Award.

Nakapasok din si Catriona, 22-anyos, ng Albay, sa Top 5 sa kategoryang Beauty With a Purpose na kinikilala ang adbokasiya ng mga kandidata. Kasama rin siya sa Top 10 finalists para sa talent competition.

Tampok sa Miss World pageant ang fast-track system na ang mga mananalo sa challenge event tulad ng sports, top model, talent, multimedia, at beauty with a purpose ay kabilang na sa Top 20.

Ang Continental Queens of Beauty ay sina Miss Kenya, Africa; Miss United States, Americas; Miss Indonesia, Asia and Oceania; Miss Puerto Rico, Caribbean; at Miss Belgium, Europe.

Mula ang ibang kandidata na kabilang sa Top 20 sa Belgium, Brazil, China, Korea, Mongolia, USA, Australia, Cook Islands, France, Ghana, Hungary, India, Japan, Slovakia at Thailand. Isandaan at labing-pitong (117) kandidata ang naglaban-laban sa ika-66 na taon ng pageant. (ROBERT R. REQUINTINA)