paris-copy

IBINAHAGI ng fashionista na si Paris Hilton na masaya siya sa pagiging single at hindi na kailangan ang sinuman para makumpirmang maligaya siya.

Inihayag ng 35-anyos na socialite, na bumalik sa pagiging single simula nang makipaghiwalay kay Thomas Gross noong April 2016, na siya ay “independent” at hindi nangangailangan ng lalaki, ayon sa ulat ng Female First.

“I love being single. Before, I could never be alone. I always needed a boyfriend. Now, I feel so independent and I am so happy with myself. I don’t need anyone to validate my happiness,” aniya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakilala ang blonde beauty nang magbida sa The Simple Life kasama si Nicole Richie ngunit ngayon ay ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para makawala sa kanyang reality star status. (PNA)