Houston Rockets' James Harden (13) is fouled as he goes up for a shot between New Orleans Pelicans' Alexis Ajinca (42) and Cheick Diallo (13) during the second half of an NBA basketball game Friday, Dec. 16, 2016, in Houston. The Rockets won 122-100. (AP Photo/David J. Phillip)

Nagtala ang Houston Rockets ng NBA-record ng dalawanpu’t apat na three -points sa pangunguna ni Eric Gordon na may 7-for-12 upang talunin ang New Orleans Pelicans, 122-100 Biyernes ng gabi.

Gayunman, hindi ikinatutuwa ng Rockets ang kanilang bagong record na itinala sa NBA record book.

“We just played how we play,” sabi ni Harden, na nagtala ng 6 for 12 sa treys at tinapos ang laro na may 29 puntos. “It didn’t feel no different. We shot the basketball, open 3s and you know — they went in.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nagdagdag si Harden ng 11 rebound at 13 assist para sa kanyang sixth triple-double sa season at ika-15th sa kanyang career upang lampas an si Hakeem Olajuwon sa franchise history.

“The best player in Rockets history — The Dream,” sabi lamang ni Harden. “For me, it’s an unbelievable accomplishment. Credit to my teammates, for knocking down their shots. I’m just trying to make an impact on the game, that’s all.”

Isinalpak ni Ryan Anderson ang ika-24 3-pointer sa laro ng Rockets, may 32 segundo na lamang sa oras, na sinaliwan ng hiyawan ng selebrasyon ng mga nanood sa Toyota Center para sa NBA record.

Umaasa naman si Gordon na hindi pa nagagawa ng koponan ang kanilang pinakamahusay na laro.

“I wouldn’t doubt before the season’s over that we’ll break that record again,” sabi ni Gordon. “I think it’ll happen again, for sure. A lot of teams like to load up and not let us get layups and force us to shoot treys so why not?”

Itinala ng Rockets sa pagsungkit sa kanilang ikasiyam na panalo ang 61 treys attempt at nagawa ang 39.3 percent upang burahin ang sarili nitong 50 na itinala nito ngayong taon. Binura din nito ang NBA record para sa pinakamaraming treys na nagawa sa isang laro, na kasalong hawak ng Houston noong 2013 at Orlando noong 2009.

“They’ve added another dimension to the game because of their ability to be able to shoot the way they do,” sabi lamang ni Rockets coach Mike D’Antoni.

Nag-ambag si Trevor Ariza ng 20 puntos habang si Patrick Beverley ay may 13 puntos, 11 rebound at walong assist para sa Houston.

Umiskor naman si Anthony Davis ng 19 puntos sa 22 minuto para sa New Orleans subalit nagpahinga ng matagal sa ikalawang hati matapos itala ng Houston ang pinakamalaking 24 puntos.

Nagtangka ang Houston ng 31 treys sa unang dalawang quarter, na NBA record para sa hati.