Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)

4:30 pm Star vs Rain or Shine

6:45 pm Alaska vs Ginebra

Asam ng Rain or Shine ang ikaapat nitong panalo na makapagtutulak dito sa posibleng solong liderato sa pagsagupa sa Star sa pambungad na laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Agad magsasagupa sa ganap na 4:00 ng hapon ang Elasto Painters at Hotshots bago sundan ng salpukan ng Alaska Aces at popular na Barangay Ginebra sa ganap na 6:45 ng gabi.

Target naman ng Hotshots ang ikatlong panalo at dugtungan ang itinalang malaking tagumpay laban sa Phoenix sa huli nitong laro.

Ang laban ang unang pagkakataon para kina dating league two -time MVP James Yap na ngayon ay nasa hanay nang Elasto Painters at ni Paul Lee na naging kapalit ni Yap sa Hotshots.

Tatangkain ng tropa ni coach Caloy Garcia na makapagsimula ng panibagong winning streak sa paghahangad na madugtungan ang huling panalo kontra Blackwater (91-84).

Umaasa ang bagong Star coach na si Chito Victolero na lalaban sa matinding hamon ang kanyang koponan kontra Elasto Painters.

“Real test sa Rain or Shine. Hopefully iyung momentum namin dun sa panalo against Phoenix (123-79) makatulong,” sabi ni Victolero.

Hangad naman ng Aces na magsilbing buwelo ang nakamit na came-from-behind panalo kontra Meralco sa nakaraan nilang laro upang makasalo sa 2-2 kartada ang Star.

Inaasahang magiging maigting ang laban nito kontra Kings na gusto naman makapagtàla ng unang back- to- back wins ngayong season matapos iuwi ang panalo noong Biyernes ng gabi laban sa Mahindra.

Aminado si coach Tim Cone na patuloy pa ring nangangapa sa kanilang laro ang kanyang koponan sa kabila ng nakamit na unang panalo.

“We’re trying to do some things that are new and we’re kind of struggling with it,” ani Cone. “We’re exploring our offense, philosophy is changing a bit.” - Marivic Awitan