Pinag-aaralan ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang pagpapataw ng P1 milyon multa laban sa mga provincial bus na dadaan sa EDSA-Timog Avenue hanggang EDSA-P. Tuazon Boulevard, dahil maituturing ang mga itong colorum o “out-of-line”.

Inihayag kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Officer-In-Charge (OIC) at General Manager Tim Orbos na wala pang guidelines ang I-ACT kung paano ipatutupad ang multang P1 milyon sa mga provincial bus sa EDSA.

Sa ilalim ng Joint Administrative Order (JAO) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO), kapwa kasapi ng I-ACT, ang P1 milyon multa ay ipinaiiral laban sa mga nahuhuling colorum na sasakyan.

Sa kasalukuyan, ayon kay Orbos, ang mahuhuling provincial bus ay may multang P300 sa paglabag sa nasabing I-ACT order.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Muling nilinaw ni Orbos na tuwing weekdays ipinaiiral ang “Nose-In, Nose-Out Policy”, 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga, hanggang sa Disyembre 31, 2016.

Kahapon, tatlo ang nahuli ng I-ACT at MMDA sa paglabag sa nasabing polisiya. (Bella Gamotea)