Mga Laro Ngayon
(IS Manila)
5:00 pm Philippines vs Korea
6:30 pm Singapore vs UAE
Hindi pa nagwawagi ang Pilipinas sa kanilang ilang ulit na pakikipagsagupa sa powerhouse South Korea kung kaya pilit na lalampasan ng Junior Volcanoes ang tila sumpa sa pagtatangka nitong makamit ang panalo sa pagsabak sa 2016 U19 Asia Rugby Championship ngayong hapon sa International School of Manila sa Taguig.
“We have yet to win over them (Korea) but we believe that there is always a big chance to pull out of the humps as we have the presence of the three mainstays of the elite squad to boost the team,” sabi ni Jake Letts, assistant coach ng First Pacific-sponsored na Junior Volcanoes.
Tinutukoy ni Letts ang tatlong miyembro ng men’s team na magbibigay liderato at ekspiriyensa sa Philippine Junior Volcanoes U19 na sasagupain ang matinding karibal na Korea na sina Rhys Jacob Mackley, Kai Ledesma Stroem at Robert Benitez McCafferty.
Sina Mackley, Stroem at McCafferty ay nakalaro na sa sa elite squad Volcanoes’ Sevens ngayong taon at inaasahang mamumuno para sa mga Pinoy U19s sa tampok na Division 1 ng torneo na kinabibilangan din ng Korea, Singapore at United Arab Emirates.
“We hope that our players could equal the intensity and double the effort for us to aim for the title and the promotion to the tough group which is composed of Japan, Sri Lanka and Taiwan,” aniya.
Makakatulong ng tatlo ang ibang miyembro ng U19 sa pamumuno ni Kingsley Ballesteros at Joshua Aragon na mula sa Clark Jets, at mga Fl-heritage mula sa Australia, New Zealand, USA, Canada at United Kingdom.
Agad sasagupain ng Junior Volcanoes ang matinding Korean sa unang laro ganap na alas-5 ng hapon na nakatuon sa importanteng panalo na magtutulak dito sa finals kontra sa magwawagi sa alas- 6:30 ng na gabi na sagupaan sa pagitan ng Singapore at UAE.
Isasagawa ang kampeonato sa Sabado.
Sasandigan naman ng mga Pilipino ang kanilang homefield advantage para maabot ang nais na kampeonato. (Angie Oredo)