eugene-copy

NAGBABALIK-PELIKULA ang award-winning comedienne na si Eugene Domingo pagkaraan ng mahigit dalawang taong pamamahinga sa big screen. Bidang-bida siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso.

Huling napanood si Uge sa Barber’s Tales ni Direk Jun Robles Lana in 2014 na nagbigay sa kanya ng Best Actress trophy sa 27th Tokyo International Film Festival.

Pagkatapos ng dalawang taong self-imposed hibernation, pasok sa Magic 8 ng MMFF ang Ang Babae Sa Septic Tank 2:

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Forever Is Not Enough na katunggali ang pitong iba pang quality movies sa festival.

“I am very happy, very excited and very grateful,” ani Eugene tungkol sa kanyang movie comeback.

Choice ba niya kung bakit natagalan bago siya muling gumawa ng pelikula?

“Oo,” mabilis na tugon ng komedyante. “Kasi kailangan ko munang magpahinga. Sa movies lang naman ako nagpahinga pero tuloy pa rin naman ang TV show ko. Perfect timing naman ang paggawa ng Septic Tank 2 na sequel because everybody in the movie is so inspired.

Patuloy ng Dear Uge host, “Ang ganda! Ang perfect ng timing. Ang perfect ng cast. Perfect ang script. It’s the perfect family movie this Christmas.”

With her comeback movie at the MMFF, ano ang kanyang expectations?

“Wala naman actually, pero ang gusto ko lang ay mag-enjoy sila sa pelikula at kiligin sila kasi masaya eh, lalo na kung dadalhin nila ang barkada nila. Laugh trip siya.”

Dugtong ng aktres na may himig pakiusap sa moviegoing public, “Dalhin mo ang family mo, barkada, boyfriend mo, girlfriend mo. Basta kikiligin ka sa movie.”

“Dito sa Septic Tank 2 crush na crush kaming lahat. Mararamdaman mo na lahat kami in love,” lahad pa ng aktres.

Aside from Eugene, Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough boosts of an all award-winning stars na kinabibilangan nina Jericho Rosales, Joel Torre, Kean Cipriano, Cai Cortez, Khalil Ramos and many more. Mula sa panulat ni Chris Martinez at sa direksiyon ni Marlon Rivera.

Binigyan ng Grade A rating ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang movie nila at PG (parental guidance) rating naman from Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). (LITO MAÑAGO)