Sasabak ang 40-man Philippine swimming team, sa pangunguna nina Kirsten Chloe Daos at Rafael Barreto, sa 40th Southeast Asian Age Group Swimming Championships sa Bangkok, Thailand.

Kapwa nagwagi ng gintong medalya ang dalawa sa naturang swimfest noong isang taon sa Danang City, Vietnam, habang silver ang kasama rin ngayon sa team na si Xiandi Chua.

Nasa lineup din sina Yakutsk Children of Asia bronze winner Camille Buico; University Athletic Association of the Philippines at Palarong Pambansa standouts Maurice Sacho Ilustre at Nicole Pamintuan; Philippine National Youth Games-Batang Pinoy Championships at national record holders Sam Coronel at Thanya dela Cruz, at iba pa.

Sinabi ni Philippine Swimming Inc. secretary general Lani Velasco na nabuo ang national team noong Nobyembre na hangad maduplika hindi man mahigitan ang naiuwing 2-2-7 gold-silver-bronze medals nung isang taon mula sa 29 tankers.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasama ng mga manlalangoy sa three-day meet hanggang bukas (Disyembre 11) sina coaches Rey Galang, Marichi Gandionco, Jenny Rose Guerero, at Sherwin Santiago.

Belarusian GM, nakisosyo sa liderat ng RP Open chess tilt.

Pinabagsak ni No. 6 seed Grandmaster Vladislav Kovalev ng Belarus si dating leader Woman GM Lei Tingjie ng China upang sumalo sa li¬derato matapos ang fifth round ng Philippine International Chess Championships sa Subic Bay Peninsular Hotel sa Zambales kahapon.