Paano makaiwas sa trapik sa pagdiriwang ng Pasig City ng ‘Paskotitap 2016’ bukas?

Ayon sa abiso ng Traffic and Parking Management Office (TPMO), isasara ang ilang kalsada at magkakaroon ng traffic rerouting bilang pagbibigay-daan sa okasyon na gaganapin sa Frontera Verde Tiendesitas.

Sarado mula 6:00 ng gabi ng Disyembre 11 para sa float parade ang Frontera Verde Road, Eagle Street, Dr. Sixto Antonio Avenue- mula Rosario hanggang Kapasigan, Ortigas Avenue - Eastbound mula Green Meadows hanggang Dr. Sixto Antonio Avenue, E. Rodriguez Avenue – mula Eagle Street hanggang Ortigas Avenue, Pasig Boulevard - Vargas Bridge/Rotonda, A. Mabini Street, Plaza Rizal Intersection, Caruncho Avenue (magkabilang direksiyon), at F. Manalo Street (harap ng city hall).

Maaaring dumaan ang mga motorista sa alternatibong ruta alinsunod sa traffic rerouting na itinakda ng TPMO.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ang ‘Paskotitap 2016’ ay isang Christmas event ng iba’t ibang paaralan sa lungsod. - Mary Ann Santiago