erap-copy

MAY tema pala ngayon ang Parade of the Stars ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December 23 na “Coming Home To Manila”. Kaya bukod sa floats ng mga kalahok na pelikula, may itatampok ding iba’t ibang cultural dances and presentations na may kaugnayan sa kulturang Manileño.

Bumisita ang MMFF executive committee na kinabibilangan nina Boots Anson-Rodrigo, Jesse Ejercito, Executive Director Atty. Rochelle Ona at MMFF commitee heads sa Tourism and Cultural Affairs Office ng City of Manila at sinalubong sila ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Naikuwento ni Mayor Erap kung paano niya nakumbinsi si dating Metro Manila Governor Imelda Marcos na pirmahan ang circular na mula sa pagiging Manila Film Festival ay pawang Filipino movies ang maaaring panoorin sa buong Metro Manila tuwing Kapaskuhan noong 1974.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakalaban daw niya noon sina Johnny Litton at Sen. Dick Gordon na nagsilbing abogado ng foreign films. Kaya mula sa Manila Film Festival ay naging Metro Manila Film Festival na ito.

Magsisimula ang MMFF 2016 Parade of the Stars sa Luneta Grandstand at magtatapos sa Plaza Miranda sa Quiapo.

Magkakaroon ito ng TV coverage ng Viva na ipalalabas sa IBC13. Sa isang lead float ay magkakasamang sasakay ang members ng MMFF executive committee. Pumayag din si Mayor Erap nang anyayahang sumakay sa float bilang ama ng lungsod at kinikilalang ama ng MMFF.

Sagot ni Mayor Erap: “I cannot turn my back.” (Nora Calderon)