May pagkakapareho ang karamihan sa mga relocation project ng gobyerno para sa informal settlers: walang supply ng tubig.
Sinabi ni Vice President Leni Robredo na mahigit sa kalahati ng mga relokasyon ng gobyerno ay mayroong mga paglabag.
“If the relocation sites and reports from the office would be our basis, the number one problem is really water.
Several relocation sites have no potable water,” ani Robredo, chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Aniya, kinakailangan pang bumili ng napakamahal na tubig ng mga residente, kaya naman “several relocation sites outside the city are unoccupied”.
Bagamat ang kawalan ng supply ng tubig ang pangunahing problema sa mga pabahay ng gobyerno, sinabi ni Robredo na wala ring mapagkakakitaan ang karamihan sa relocation sites, kaya hindi rin, aniya, nareresolba ang problema.
(Raymund F. Antonio)