Gustong mapalaban ni dating WBA interim light flyweight champion Randy Petalcorin sa kampeonatong pandaigdig kaya nangako siyang patutulugin si MinProba junior flyweight titlist Arnold Garde para mahablot ang bakanteng IBF Pan Pacific title sa Linggo sa Robinson Mall Atrium sa General Santos City, South Cotabato.

Natamo ni Petalcaorin ang WBA title nang talunin via 7th round TKO si Walter Tello ng Panama sa sagupaan sa Shanghai, China noong 2014 at minsan niyang itong naidepensa sa pagtalo kay Chinese Yi Ming Ma via 1st round TKO noong 2015 sa Beijing, China bago binitiwan ang korona.

Kasalukuyang nakalista si Petalcorin na No. 4 contender kay WBC light flyweight champion Ganigan Lopez ng Mexico at No. 13 ranked kay IBF junior flyweight titlist Akira Yaegashi ng Japan kaya malaki ang mawawala sa kanya kapag na-upset ni Garde.

May rekord si Petalcorin na 24-2-1, tampok ang 18 pagwawagi sa knockouts samantalang si Garde ay may kartadang 7-3-2, kabilang ang tatlong TKO. (Gilbert Espeña)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!