PABOR si Boy Abunda sa mga pelikulang napili ng screening commitee ng 2016 Metro Manila Film Festival.
“Do you want change?” balik-tanong sa amin ng TV host nang kunan namin ng opinyon tungkol dito na sinagot namin ng, ‘oo’.
“Okay, so mayroon kang eight-member na screening committee na in-appoint ng MMDA (Metro Manila Development Authority) dahil sila ang legal na postura, legal posture to appoint the screening committee.
“At saka napakaganda ng membership from Nick Tiongson, Sid Lucero, Crispina Belen,Ping Medina, Mae Paner, Krip Yuson na ibig sabihin ay sinunod nila ang criteria na prinovide, 40% story and audience appeal, so kung ano ang istorya ng walong (pelikula) ay subjective, kanila ‘yun, at ang 40% technical excellence, meron din silang pamantayan because Krip Yuson is there, 10% is global appeal and 10% Filipinos sensibility. Kaya ano’ng reklamo natin?
“Ngayon kung hindi kumita, eh, problema ‘yun ng MMDA, bakit natin po-problemahin? Bakit natin uunahan?
“Remember, ang Metro Manila Film Festival ang nag-produce ng mga pelikulang Himala. Hindi man siguro kumita ng malaking pera, malay mo, there’s some good happen to this. Ang akin lang, bakit hindi natin subukan, panoorin muna natin,” magandang paliwanag ni Kuya Boy.
Ano naman ang reaksiyon niya sa komento ng tatlong producers na hindi nakasama sa MMFF na wala raw pelikulang pambatang kasali ngayong taon? Tradisyon na raw na kapag Disyembre ay may pambatang mga pelikula.
“I will not comment on that because that is their opinion kasi inilagay din sa ating isipan halimbawa na ang premise na ang Metro Manila Film Festival ay pambata, eh, wala naman yata sa criteria.
“Silang walo (screening committee members) ay sinunod lamang ang criteria, ano’ng magagawa natin? May usapan yata na apat mainstream, apat indie na hindi naman yata ina-announce sa lahat, di ba?” pananaw ni Kuya Boy.
Nagbigay din ng opinyon si Kuya Boy tungkol sa pagtawag ni Mercedes Cabral kay Mother Lily Monteverde ng ‘f_cking idiot’.
“Ang ayoko, name calling. Una, puwede naman tayong magdebate, pero walang bastusan; puwede naman tayong magdebate, pero walang name calling. Wala siyang karapatang tawaging f_cking idiot si Mother Lily.
“For whatever reason, naghahanapbuhay si Mother Lily at hindi illegal, kung pinapanood ang kanyang mga pelikula ay kagustuhan iyon ng mga tao. Pero walang ninakaw si Mother Lily, walang niloko, walang kaban ng gobyerno na ninakawan ni Mother Lily.
“Wala akong utang kay Mother Lily, ha? Hindi ako kumakampi kay Mother Lily dahil kailangan ko siya, hindi. I’m coming from a point of fairness. Pero ito rin ang producer na nagbigay sa atin katulad ng Relasyon (1982),Sister Stella L (1984). I mean, may body of work din naman ang producer na ito, she’s not a f_cking idiot at walang karapatan si Mercedes Cabral na sabihin iyon.
“Makipagdebate ka na lang nang maayos doon sa mga puntos na gusto mong ilahad, pero huwag mong i-disrespect ang taong ito dahil may karapatan din naman siya bilang producer,” makatwirang paliwanag ni Kuya Boy.
Bibigyan ba niya ng pagkakataon si Mercedes Cabral sa Tonight With Boy Abunda para ipaliwanag ang punto kaya ito nakapagsalita ng ganoon sa movie producer?
“I’m okay, nai-guest na ‘yan sa akin sa Inside The Cinema, she’s a very good actress, she’s an actor of consequence, wala namang kinalaman ‘yun sa ating pag-uusap. Sinabi ko lang, sumobra siya, she crossed the line. I don’t think, she has any right to call anybody a f_cking idiot.
“Depende kina Nancy (Yabut, producer ng TWBA) kung papayag sila (na mag-guest), pero kung ako, ako pa?” diretsong pahayag ni Kuya Boy. (REGGEE BONOAN)