one-copy

Sa harap nang nagbubunying kababayan, higit na tumatapang at lumalakas si Filipino-American Brandon ‘The Truth’ Vera.

Kaya’t asahan ang world-class fight sa pagdepensa ni Vera (14-7-0) sa ONE heavyweight championship kontra sa undefeated Japanese challenger Hideki Sekine (7-0)sa main event ng ONE: Age of Domination sa Disyembre 2 sa MOA Arena.

Nakalinya rin sa supporting bout ang laban nang mga pamosong Pinoy mixed martial arts fighter mula sa Team Lakay ng Baguio City tulad nina Geje Eustaquio, Honorio Banario, April Osenio at Danny Kingad.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sasabak din ang mga Pinoy na sina Eugene Toquero, Mark Striegl, at Filipino-Australian Reece McLaren.

Tulad sa kanyang unang laban sa Manila sa ilalim ng ONE promotion, nakapasan sa balikat ni Vera ang kampanya ng local MMA talents sa nangungunang MMA promotion sa Asya at unti-unti nang tinatanggap ng sambayanan.

“The Philippines is just as much my home as the United States is, and I am truly blessed to be able to compete here in front of all the Filipino fans,” sambit ni Vera.

“It’s an amazing country and we discover something new everyday. It’s an honor to be able to headline massive ONE Championship fight cards.”

Huling lumaban si Vera sa harap ng Pinoy fans may isang taon na ang nakalilipas nang gapiin via 1st rounf knockout si Taiwanese-Canadian Paul ‘Typhoon’ Cheng para makamit ang titulo.

Kontra sa 265 lbs. na si Sekine, tiyak na mapapalaban ng husto si Vera, higit at kabilang sa pitong panalo nito ay tatlong submission at tatlong knockout.

“My mixed martial arts career has had its up and downs, highs and lows. But I feel that right now, I’m the best that I have ever been. I’m in my prime and I feel great,” aniya sa isinagawang media conference kahapon sa Vikings.

“The honor and prestige of being a world champion is something that I take very seriously. I am proud to wear the ONE Heavyweight World Championship belt around my waist.”

“I can’t wait to be inside that ONE Championship cage again. The big fight atmosphere in Manila is amazing. Filipino fight fans are a passionate bunch.”