CAMP MACABULOS, Tarlac City - Isa sa tatlong umano’y kawatan sa mga paaralan ang nalambat ng mga pulis matapos looban ng mga ito ang Laungcupang Elementary School sa La Paz, Tarlac, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni PO1 Robin Vega ang naaresto na si Kevin Buenaventura, 21, binata, ng Barangay Libis, Baguio City, habang pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawa pang kasamahan ng suspek.

Batay sa imbestigasyon, dakong 3:45 ng umaga nang looban ng tatlo ang eskuwelahan at tinangay ang isang set ng speaker at TV monitor.

Sa pagresponde ng pulisya ay naaresto si Buenaventura habang nakatakas naman ang dalawang kasamahan nito.

Probinsya

Nakatulog na driver ng bus, inararo mga sasakyan sa SCTEX, 10 patay!

Nakarekober din ng mga awtoridad sa lugar ang steel saw, vise grip, steel pipe, tatlong steel bars at transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. (Leandro Alborote)