FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija – Hindi nagpatinag sa mga kaaway ng estado, tutuloy si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita niya sa Lanao del Sur ngayong Miyerkules kahit pa siyam na katao, kabilang ang pitong miyembro ng kanyang Presidential Security Group (PSG), ang nasugatan makaraang pasabugan ng bomba kahapon sa Marawi City.

Nagpasya ang Pangulo na suwayin ang rekomendasyon ng kanyang security na ipagpaliban na lang niya ang pagtungo niya sa Mindanao ngayong Miyerkules, sinabing plano niyang maglayag papuntang Marawi City.

Sakaling may masamang mangyari sa kanya, sinabi ni Duterte sa mga Pilipino na nariyan naman si Vice President Leni Robredo upang humalili sa kanya para pamunuan ang bansa.

“I’m going there (even though) the advice is to postpone. If possible, I might take the sea route and I might even take the same route,” sinabi ng Pangulo nang dumalo siya kahapon sa inagurasyon ng drug abuse treatment at rehabilitation center sa loob ng isang kampo ng militar sa Nueva Ecija. (GENALYN D. KABILING)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon