Nadiskubre ang pugot at putul-putol na bahagi ng katawan ng isang lalaki sa septic tank ng isang KTV bar sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Sa report kay Senior Supt. Johnson Amazan, hepe ng Caloocan City Police, ang bangkay ay kinilala ng misis nito bilang si Priscilo Salazar, 46, ng Barangay 171, Bagong Silang.

Tanging torso at mga kamay lang ng biktima ang natagpuan sa septic tank.

Sinabi ni Col. Almazan na may nag-text sa misis ni Salazar at sinabing nasa septic tank ng isang KTV bar sa Bgy. 171 ang asawa nito, hanggang sa tumambad ang mabaho at putul-putol na katawan ni Salazar.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa ginang, limang buwan nang nawawala ang kanyang asawa.

Isinama na rin sa imbestigasyon ang mga may-ari ng KTV bar.

Love triangle ang tinitingnang motibo sa krimen. (Orly L. Barcala)