Inatasan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang buong pwersa ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na magbitiw sa kanilang mga puwesto bunsod ng mga reklamo ng pangongotong laban sa mga ito.

Ang mass resignation ng 690 traffic enforcers ng MTPB ay ipinag-utos ng alkalde kasabay nang paglulunsad ng “traffic super body,” na binubuo ng mga opisyal ng lungsod at barangay, mga lider at kinatawan ng transport groups, Parents-Teachers Associations (PTAs), business groups at iba pang stakeholders.

“Today, I have ordered all traffic enforcers of MTPB to step down and turn in their resignation letters. I want all of them out, no exception. Tama na. Sobra na. Palitan na,” sabi ni Estrada, idinagdag na patuloy ang imbestigasyon at mananagot ang may sala.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Habang nirereorganisa ang MTPB, ang Traffic Enforcement Unit (TEU) ng Manila Police District (MPD) muna ang magmamando ng trapiko sa lungsod, katulong ang mga taga-barangay at iba pang volunteers. (Mary Ann Santiago)