LONDON (AFP) – Sinunog ng anak ng Sex Pistols manager na si Malcolm McLaren at ng fashion designer na si Vivienne Westwood ang mamahaling punk memorabilia noong Sabado bilang protesta sa mga opisyal na plano na ipagdiwang ang 40th anniversary ng kilusan.
Sinilaban ni Joe Corre ang mga bagay, na sinasabing nagkakahalaga ng £5 million ($6.2 million), na isinakay sa isang bangka sa River Thames sa London.
‘’Punk was never, never meant to be nostalgic -- and you can’t learn how to be one at a Museum of London workshop,’’ aniya sa mga nanonood.
Sinabayan ito ng fireworks at pagsunog ng effigies ng mga pangunahing politiko.
Nauna nang sinabi ni Corre na galit siya sa mga plano ng Punk London na ipagdiwangang 40 taon ng sub-culture na aniya ay isang “hypocrisy.”