florence-copy

Pumanaw sa edad na 82 ang beteranong aktres na si Florence Henderson, pinakakilala bilang si Carol Brady sa sitcom noong 1970s na The Brady Bunch.

Inihayag ni Maureen McCormick, gumanap bilang Marcia, pinakamatandang anak ni Henderson sa palabas, sa Twitter na:

“Florence Henderson was a dear friend for so very many years & in my (heart) forever... I’ll miss u dearly.”

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Kabilang sa mga contestant si McCormick sa dance competition na Dancing With The Stars ngayong season at sumali pa si Henderson sa taping nito ilang araw na ang nakalilipas.

Pumanaw si Henderson na napapaligiran ng kanyang pamilya at mga kaibigan, ulat ng Associated Press mula sa pahayag ng kanyang manager na si Kayla Pressman. Hindi ibinigay ang detalye sa dahilan ng pagpanaw ni Henderson.

Nagbida si Henderson sa ground-breaking television series tungkol sa babae na may tatlong anak na babae at ikinasal sa lalaking balo na may tatlong anak na lalaki.

Unang siyang lumabas sa telebisyon noong 1950 pagkatapos ng pagganap niya sa musical na Carousel noong 1949 at iba pang patok na musical theater play kabilang ang South Pacific at ang Fanny. (Reuters)