JAKARTA, Indonesia (AP) — Naaresto ng Indonesian police ang isang hinihinalang Islamic militant na gumagawa ng malakas na bomba, kung saan galing pa sa iba’t ibang lugar sa bansang ito, at sa Pilipinas ang mga materyales na kanyang ginagamit.
Ayon kay National Police spokesman Rikwanto, si Rio Priatna Wibawa, 23, ay may link kay Bahrun Naim, isang militanteng Indonesian na lumalaban, kasama ang Islamic State (IS) sa Syria.
Narekober sa laboratoryo ni Wibawa ang bomb-making explosives na tatlong beses na mas malakas kaysa sa bomba na ginamit sa Bali bombings.
Si Wibawa na dropout mula sa agricultural university ay tumatanggap umano ng pondo mula sa radicalised Indonesians na nagtatrabaho sa Saudi Arabia, Malaysia at Taiwan.
Samantala kumukuha umano ng materyales ng bomba si Wibawa sa Java, Sumatra ar East Nusatenggara sa Indonesia, gayundin sa Pilipinas.