NAGPAPAHIWATIG nga kaya si Adele na buntis siya uli sa kanyang pahayag na magkakaroon siya ng isa pang anak?

Adele
Adele
Nalito ang mga tagahanga ng British singer nang magpahayag siya sa kanyang huling U.S. tour sa Phoenix, Arizona nitong Martes na muli siyang magkakaanak.

“I’m going to have another baby,” saad ni Adele bago siya nagpasalamat sa banda at sa mga manonood sa pagtatapos ng kanyang konsiyerto.

Sinabi rin ni Adele na, “I’ll see you on the other side. In a couple of years, I’ll be back, and you won’t be able to get rid of me,” na pahiwatig ng kanyang muling pagpapahinga dahil sa pagbubuntis.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nanatiling tikom ang bibig ni Adele tungkol sa isyu pagkatapos niya itong banggitin sa konsiyerto.

Gayunpaman, kinumpirma niya na magtatanghal siya ng dalawang gabi sa Wembley Stadium sa London sa June at July 2017.

Ang Hello hitmaker ay may isang anak, ang apat na taong gulang na si Angelo, sa charity entrepreneur na si Simon Konecki.

Namahinga siya nang ipahayag niya ang kanyang pagdadalantao noong 2012, at bumalik noong 2015 sa kanyang patok na album na 25. - MB Entertainment