TARLAC CITY – Isang barangay tanod ang nasawi makaraang saksakin sa iba’t ibang parte ng katawan ng tricycle driver na kanyang hinabol at kinumpronta dahil inireklamo ng snatching sa Barangay Paraiso sa lungsod na ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni SPO1 Ranee Navarro ang nasawi na si Nelson Mabuti, 49, may asawa, tanod sa Bgy. Paraiso, na iniwan sa kalsada ng Sitio Valdez sa Bgy. San Rafael katabi ang kanyang tricycle (RK-6986).

Inalerto si Mabuti tungkol sa pagkakabiktima ng isang taga-Bgy. Paraiso sa Bgy. San Rafael kaya kaagad siyang rumesponde sa lugar at hinabol ang hindi nakilalang suspek.

Armado ng balisong, paulit-ulit na sinaksak ng suspek si Mabuti bago tumakas. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog