ogie-at-regine-copy

KAPAMILYA na si Ogie Alcasid kaya asahan ang sunud-sunod pa nitong guesting sa iba’t ibang show ng ABS-CBN.

Asahan nang mapapanood na rin siya sa ASAP hindi lang bilang guest kundi isa na sa mainstay.

Isa sa magiging show ni Ogie sa ABS-CBN ang Your Face Sounds Familiar Kids na airing sa January 2017. Makakasama niya as juror sina Sharon Cuneta at Gary Valenciano.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Ang guesting sa 21st anniversary ng Bubble Gang ang last guesting ni Ogie sa GMA-7 dahil sa susunod na mapanood siya sa telebisyon, puro na sa ABS-CBN siya lalabas.

Samantala, nananatiling Kapuso ang wife ni Ogie na si Regine Velasquez at malabo sa ngayon ang wish ng fans ng mag-asawa na sumunod si Regine sa ABS-CBN dahil nag-renew ito ng kontrata sa GMA Network.

Matutuloy na ang musical/comedy show na gagawin ni Regine sa Siyete na dapat ay September pa umere. Wala pang detalye kung kailan ang pilot airing nito at kung ano ang title, hintayin na lang natin ang announcement. (NITZ MIRALLES)