Umuusad na ang isinusulong na Charter Change o Cha-Cha sa Kamara matapos ipagpatuloy ng House Committee on Constitutional Amendments ang sunud-sunod na public consultations, kabilang ang pagdalo ng mga kilalang eksperto sa usapin ng Konstitusyon.

Inimbitahan ng komite na pinamumunuan ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado ang mga miyembro ng 1986 Constitutional Commission (ConCom), 2005 Consultative Constitutional Commission, Philippine Constitution Association (PHILCONSA), University of the Philippines (UP) Law Center, Commission on Human Rights (CHR), Philippine Bar Association (PBA), Department of Justice (DoJ), at Department Foreign Affairs (DFA), upang ihayag ang kanilang opinyon at pananaw sa kahalagahan ng pag-aamyenda sa 1987 Constitution, ang pamamaraan sa pagsususog, at amendment proposals.

(Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'