Sinabi kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matagumpay na nailigtas ang tatlong mangingisda mula sa bangka ng mga ito na lumubog sa karagatan ng Samal nitong Martes ng gabu.

Napaulat na bandang 10:00 ng gabi nang makatapos sa pangingisda sina Soy-an T. Osani, 47; Jamir P. Osani, 20; at Henry L. Everre, 17, pawang taga-Barangay Isla Verde, nang salpukin ng malaking alon ang kanilang bangka, at lumubog ito.

Ayon sa Naval Forces Eastern Command na nakabase sa Bgy. Pandacan, Davao City, nagpapatrulya sa Samal si Lt. Commander Ignacio Umali at mga tauhan nito sakay sa BRP Nicolas Mahusay nang mamataan ng mga ito ang mga mangingisda, dakong 5:35 ng umaga kahapon.

Bandang 6:10 ng umaga ay nailigtas at naisakay na ang tatlong mangingisda sa BRP Nicolas Mahusay at hinila ang bangka patungo sa Naval Station Felix Apolinario sa Davao City.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Nagpasalamat naman si Osani sa Philippine Navy sa pagliligtas sa kanila. (Francis T. Wakefield)