CAMP DANGWA, Benguet – Nahaharap ngayon sa kasong rape ang isang lalaking head teacher matapos niya umanong gahasain ang isang 12-anyos na lalaki sa loob ng classroom sa Luna, Apayao.

Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang taong suspek, na nasa 59 na taon gulang at head teacher sa isang elementary school sa Luna.

Sa report ng Luna Municipal Police, nangyari ang insidente nitong Biyernes ng tanghali habang idinadaos ang provincial athletic meet. Nag-iisang natutulog ang binatilyo sa isang classroom nang pasukin siya ng suspek.

Base sa testimonya ng biktima, nagising siya nang maramdamang may humahalik sa kanyang leeg habang niyayakap siya hanggang sa makita niya ang suspek.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Ayon sa binatilyo, sapilitan umano siyang hinubaran ng pantalon ng guro at ipinasok ang ari nito sa kanyang puwet.

Tinangka niyang sumigaw dahil sa sakit na naramdaman, pero tinakpan umano ng suspek ang kanyang bibig.

Matapos ang paghahalay, binantaan umano ng suspek ang binatilyo na huwag magsusumbong kahit kanino.

Sa tulong ng Women’s and Children’s Protection Desk ng pulisya, dinala ang biktima sa Far North Luzon General Hospital & Training Center para suriin, at kasabay nito ay ipinaalam na ang kaso sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Luna.

Hindi naman makumpirma kung nakasuhan na ang guro dahil batay sa pagtatanong ng may akda kahapon ay hindi pa alam ng provincial director ang kaso kahit pa naisumite na ito ng Luna Police sa Apayao Police Provincial Office.

(RIZALDY COMANDA)