andrea-at-mikee-copy

SUMABOG na ang sekreto ni Ella kaya nabuking na ng lahat ang pagpapanggap niya. Pero ang pinakamalaking problema ay dahil sa pagsisinungaling niya.

Sa pinakahuling episode ng second month installment, lalong kaabang-abang ang tumitinding drama, kilig at tawa sa interactive rom-com ng GMA – URL Presents Perfect Fit.

Sa featured story for the month na modern day fairy tale ng isang cellphone repair girl na si Ella (Mikee Quintos), biglang nagbago ang kanyang buhay nang magpakumpuni sa kanya ng cellphone si Cindy, ang babaeng ibang-iba sa kanya pero kahawig niya.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Habang inaayos ang phone ni Cindy, nakita ni Ella sa dating app nito ang high school crush niyang si Eugene (Andre Paras). Curious siyang makita ang crush, kaya nagbihis at nagkunwari siyang si Ella. Ang nagsimulang harmless lie ay mauuwi sa kumplikadong sitwasyon dahil nahulog ang loob nina Ella at Eugene sa isa’t isa.

Abangan kung magkakaroon ng happy ending ang istorya para kay Ella. Maging perfect fit kaya sila ni Eugene para sa isa’t isa?

Panoorin sina Mikee Quintos at Andre Paras kasama ang Starstuck 6 graduates na sina Jay Arcilla at Arra San Agustin.

Gusto mo bang maging instant artista? ‘Magpafansin” na! Ipadala ang inyong video sa Facebook.com/UsapangRealLove.