11,044 atleta, susugod sa Tagum City para sa Batang Pinoy.

Puno nang pag-asa at sigasig ang mga batang atleta para sa hinahangad na magandang bukas sa kanilang athletics career.

Ito ang pananaw ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner at project head Dr. Celia Kiram sa malaking bilang ng mga atleta na nagpatala para sa gaganaping Philippine National Games-Batang Pinoy Championship sa Tagum City sa Davao Del Norte

“The enthusiasm to be part of the Games is the main reason why we had the biggest number of participants for this year’s Batang Pinoy. Even sa mga sports na dati’y maliit lang ang number of participants, lumobo ng todo,” pahayag ni Kiram sa isinagawang media briefing para sa Batang Pinoy na nakatakda sa Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinabi naman ni PSC executive assistant at area coordinator Ronnel Abrenica na isinunod ng pamahalaang panlalawigan ng Davao del Norte ang security protocol sa ginawang paghahanda ng Davao City sa nakalipas na APEC Summit.

“Yung template ng security protocol sa APEC ang ginamit ng host, in preparation na rin sakaling makadalo ang Pangulong Duterte,” ayon kay Abrenica.

“Everything is in order as far as security measure are concerne. Patuloy ang coordination ng AFP sa ating kapulisan at sa PSG. We learned that every venues and billeting area may naka-assigned na police 24/7 from start to finish,” aniya.

Iginiit ni Abrenica na wala pang opisyal na pahayag ang Malacanang sa pagdalo ng pangulong Duterte, ngunit sa kasalukuyang ang sigurado na ay ang presensiya ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

“Senator Manny Pacquaio will be the keynote speaker while Senators Gringo Honasan, Sonny Angara and House Speaker Pantaleon Alvarez along with the Deputy Secretary has also confirmed their presence in the opening of the Batang Pinoy,” pahayag ni Abrenica.

Siniguro naman ni Dr. Lauro Domingo, Jr., head ng PSC Planning Department, na walang magiging problema sa scheduling ng mga event dahil sa masusing pagsasaaayos sa programa, sa pakikipagtulungan ng technical official ng mga sangkot na National Sports Associations.

Ayon kay Domingo, gaganapin ang wushu at gymnastics event sa Manila. Gaganapin ang gymnastics sa Disyembre 4-11 habang ang wushu ay magsisimula sa Disyembre 5-8.