NAGBABAKASYON sa Amsterdam ngayon sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado at may mga litrato sa Internet na magpapatunay na magkasama sila sa nasabing lugar.

Tahimik na umalis ang dalawa na part pa rin siguro ng moving on process ni Jennylyn sa pagpanaw ng kanyang adoptive mother na si Mommy Lydia.

Ikinatuwa ng fans nina Dennis at Jennylyn na magkasama silang nagbabakasyon sa Amsterdam na nagiging favorite place nila. Doon din sila nagbakasyon last year, ang kaibahan lang ay tipid ang mga litrato nila noon.

Ngayon, ang dami nilang pictures together na kuha ng mga kababayan nating nakakakita sa kanila. Sa mga litratong nakita namin, hindi na sila nahihiyang magpakita ng sweetness. Kung hindi magka-holding hands, nakaakbay si Dennis kay Jennylyn.

Tsika at Intriga

Lakbayaw heartthrob Marco Navarra, sasabak na sa pag-aartista!

Sinasamantala lang nina Dennis at Jennylyn habang wala pa silang gaanong trabaho. Ang pagho-host ng Superstar Duets lang ang show ni Jennylyn sa GMA-7, si Dennis naman ay pa-guest-guest muna sa iba’t ibang show ng network habang hindi pa nagsisimulang mag-taping ng Mulawin. (Nitz Miralles)